Lunes, Setyembre 18, 2017


Ang Kaibahan Noon at Ngayon 30 Taon nang Nakalipas


CONTENT
Nang sumapit ang 21 siglo hindi natin maipagkaila na talagang malaki na ang pinagbago ng ating mundo. Ang dating kinagigiliwan ng ating mga magulang noon 30 taon nang nakalipas ay hindi na natin gaanong napapakinabangan ngayon dahil nga iba na ang ating henerasyon. Naging ‘’high tech’’ na ang mga teknolohiya na nakatutulong sa pagpapadali ng ating buhay. Sa makabagong henerasyon ngayon, iba na ang paraan ng panliligaw, pakikipagkomunikasyon at hindi na rin gaanong pinaniniwalaan ang mga pamahiin na kinaugalian ng ating mga magulang at mga ninuno. Kaya nga laging sinasabi ng ating mga magulang na iba na talaga ang panahon natin ngayon kaysa sa panahon nila noon. Ngunit kung ating ikukumpara 30 taon nang nakalipas, ano nga ba ang pinagkaiba noon at ngayon? Sa kabilang dako, narito ang pinagkaiba noon at ngayon:
1.)    Media/Technologies
Talagang malaki ang pinagbago pagdating sa teknolohiya. Noon, hindi pa uso ang kompyuter dahil tanging ang ginagamit ng mga Pilipino ay typewriter kung sila’y nag-eencode. Ngunit ngayon, dahil nga ‘’high tech’’ na ang mga teknolohiya, ang dating typewriter ay napalitan nan g kompyuter, laptop, tablet, ipad at iba pa.

NOON

NGAYON


       Noon, hindi rin uso ang flat screen T.V dahil ang kadalasan na ginagamit ng mga tao noon ay yaong black and white T.V
NOON
NGAYON










       Pagdating naman sa selpon, tanging sikat noon ang keypad na 3310 ang model. Bihira lang siguro ang hindi nakagagamit nito. Ngunit ngayon, halos lahat ay mayroon talagang touch screen na selpon.
NOON
NGAYON

Noon, hindi pa uso ang mga wireless microphone dahil ang tanging ginagamit nila ay yaong may wire na microphone.
NOON

NGAYON





Noon halos lahat ay mayroon talagang radio na de battery ngunit ngayon kaunti na lamang ang gumagamit ng radio na de battery.



Ngayon sumikat na ang mga iba’t ibang gadgets na talagang kinagigiliwan ng kabataan. Sa panahong ito, dito na rin sumibol ang powerbank, bluetooth headset, monopod, pocket WiFi at marami pang iba.





2.)    Social Relationships
Pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ating mahal sa buhay na malayo sa atin, ang tanging ginamit sa pagpapadala ng mensahe noon ay sulat lamang o telegrama. Sinulat pa nga nila doon na “Uli balay tatay patay”. Ngangangahulugan ito na pinapauwi ng isang lalaki o isang babae ang kanyang kapatid na malayo sa kanila dahil namatay ang kanilang ama. Pinapaikli lamang ang pangungusap dahil mahal ang bayad kung masyadong mataas ang iyong isinulat sa telegrama. Ganito ang nangyari noon kung sila’y nagpapadala ng mensahe sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit ngayon dahil sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, dinaan nalang sa text o sa chat gamit ang messenger o facebook. Ang iba pa nga ay nagvivideo call o nagskype pa upang makita nila ang mukha ng kanilang mahal sa buhay na matagal na nilang namimiss.

NOON
NGAYON


Sa paraan naman ng panliligaw, hindi maipagkakaila na naghaharana talaga ang isang lalaki sa kanyang sinisinta noon. Sa ngayon naman, halos dinadaan nalang ito sa selpon ang panliligaw. Dahil dito, maraming mga magulang ang umaangal dahil pinapadali na lang daw ang panliligaw. Talagang nagpapakita raw ng effort ang mga binata noon sa pamamagitan ng paghaharana. Sa katunayan, kahit hindi uso ngayon ang harana nagpapakita pa rin naman ang mga binata ng effort sa ibang aspekto o paraan tulad nalang ng paghatid at sundo sa kanilang bahay, pagbibisita, pagreregalo, pagsasakripisyo at iba pa. Kaya nga, kung sa text dinaan ng binata ang kanyang panliligaw, hindi ito diritsong sasagutin ng babae. Kinakailangan muna niya itong subukan kung seryoso ba ito sa kanya at kung gaano siya kamahal ng binata. Kailangan ding patunayan ng lalaki ang kanyang pag-ibig sa kanyang napupusuan.  


NOON
NGAYON

      Pagdating naman sa interaksyon ng mga kabataan, noon talagang nalilibang ang mga kabataan sa mga larong pinoy tulad ng patintero, sepak takraw, tumba lata, luksong baka at iba pa. Dahil dito nainsayo ng mga kabataan ang kanilang katawan. Ngunit ngayon, kung ating oobserbahan ang mga internet café, marami talagang mga kabataan ang nalilibang na sa mga paglalaro ng mga computer games: online o offline. Dahil dito, bihira na lang ang mga kabataan na naglalaro sa labas dahil kadalasan doon sila naglalaro sa loob ng internet café.  

NOON
NGAYON


3.)    Beliefs or Values
Pagdating naman sa paniniwala ng mga tao noon, 30 taon nang nakalipas, naniniwala talaga sila sa mga pamahiin na namana pa sa ating mga ninunong Ita na siyang kauna-unang naninirahan sa Filipinas. Halos lahat ng ating mga magulang at mga lolo at lola ay naniniwala sa mga pamahiin gaya ng mga sumusunod:
·         Ang mga batang malilit sa pamilyang namatay ay pinagsusuot ng pulang damit upang huwag daw lapitan o pagpakitaan ng namatay.
·         Ang paglikha raw ng ingay kung Bagong Taon ay nagtataboy ng masasamang ispiritu.
·         Huwag magsusuklay kung gabi dahil baka raw mamatay ang ina.
·         Huwag daw isukat ang damit pangkasal dahil baka hindi raw matutuloy ang kasal.
·         Huwag magpalitrato ng tatlo dahil malas daw.
·         Kapag may nakaburol sa bahay hindi raw dapat magkukutuhan dahil lalong dadami ang kuto.
·         Kung may kulog at kidlat, takpan daw ang salamin dahil baka raw tamaan ito ng kulog at kidlat.
Sa ngayon, ang mga pamahiin na ito ay unti- unti nang nawawala dahil nga hindi na gaanong pinaniniwalaan ng mga kabataan ngayong 21 siglo. Iilan na lamang ang mga kabataan ang naniniwala rito.




      Pagdating naman sa mga katangian ng kabataan, masasabi natin na malaki na ang pinagbago 30 taon nang nakalipas. Ang kabataan noon ay hindi pa nila ganong alam ang tungkol sa teknolohiya ngunit ngayon napakadali nalang turuan ang mga bata. Kahit limang taon pa lamang ang bata ay marunong mamahala ng mga gadget tulad ng selpon, ipad at iba pa.

NOON
NGAYON


EXPERIENCE
            Talagang malaki ang pinagbago ng Filipinas kung ating ikukumpara noon at ngayon matapos ang 30 taon nang nakalipas. Marami ang nagbago lalong-lalo na pagdating sa teknolohiya, relasyon sa kapwa at paniniwala ng mga Pilipino.Isa sa mga karanasan ko na gusto kong ibahagi sa inyo na hindi ko talaga malilimutan ay noong ako’y 1st year high school. Wala akong kamuwang-muwang noon sa paggamit ng kompyuter kasi nga hindi pa ito itinuro sa aming paaralan noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Pagtungtong ko ng 1st year high school, may pinagawa ang guro sa amin na isang proyekto. Ito’y pagtitipon ng mga tula. Kinakailangan itong isaliksik at eencode. Dahil dito, muntik na akong makaiyak dahil wala akong alam tungkol sa kompyuter. Halos lahat ng aking kaklase ay marunong nang gumamit ng kompyuter dahil tinuruan na sila noong sila’y nasa elementarya. Ako na lang yata ang walang alam sa kompyuter. Kahit nga  sa simpleng paghawak ng mouse ay hindi ko pa kaya. Bukod doon mayroon namang naawa sa akin na aking kaklase. Tinuruan niya akong gumamit ng kompyuter. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya at sa Poong Maykapal dahil ginawa niyang insrumento ang isang tao upang matulungan ako. Dahil doon natuto na akong gumamit ng kompyuter hanggang ngayon.

REFLECTIONS/REACTIONS
            Base naman sa aking natutunan, kahit nasa 21 siglo na tayo at naging “high tech” na ang mga teknolohiya ngunit masasabi pa rin natin na hindi pa gaanong maunlad ang Filipinas dahil nga hindi pa lahat ng mga tao ay computer literate. Hindi pa itinuro sa lahat ng paaralan ang tungkol sa paggamit ng kompyuter dahil nga sa kakulangan ng mga kagamitan. Kaya bilang isang mamayang Pilipino, kinakailangan ding ibahagi ko rin ang akng natutunan tungkol sa paggamit ng kompyuter partikular na sa microsoft word, paggawa ng presentasyon o powerpoint presentation, pagsaliksik, lay-outing, video editing, music and video downloading, web page designing at paggawa ng blog. Dahil dito hindi lang ako nakatutulong sa aking kapwa kundi mahasa rin ang kanilang kasanayan at madadagdagan pa ang kanilang kaalaman.
            Tungkol naman sa mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin, ang masasabi ko lang ay kahit hindi na gaanong pinanininiwalaan ngayon pero nakadepende pa rin ito sa atin kung maniniwala tayo o hindi dahil wala naman daw mawawala kung maniniwala tayo o hindi . Sabi naman ng iba, kung maniniwala raw tayo ay magkatotoo raw ito ngunit kung hindi naman daw tayo maniwala, hindi naman daw ito magkatotoo.

APPLICATION  
            Bilang isang guro sa hinaharap kinakailangan na maging isang modelo tayo sa ating mga estudyante. Kung madedestino tayo sa isang paaralan na walang kuryente o di kaya’y walang teknolohiyang ginamit sa pagtuturo, kinakailangan na ang guro ay marunong maghanap ng ibang paraan upang matagumpay na mabahagi ng guro ang kanyang paksang aralin. Dito ko na rin ipakilala sa aking mga estudyante ang tungkol sa teknolohiya kung gaano ito kaimportante sa panahon ngayon at kung paano ito gamitin. Sa puntong ito, dito ko na gagamitin ang kolaborativ at kooperativ na pagkatuto o pagtuturong nakapukos sa tulong-tulong at sama-samang pagkatuto. Papangkatin ko ang aking mga estudyante at sa bawat miyembro ng grupo ay magtutulungan at magbabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa paggamit ng mga kompyuter.
            Para naman sa epekto ng makabagong teknolohiya, kinakailangan ko ring turuan ang aking mga estudyante na huwag abusuhin at huwag masyadong umasa nalang dito. Iyon bang pati ang takdang-aralin ay “copy, paste” lang  ang labas. Ang internet ay talagang nakatutulong ito sa atin, huwag lang sana natin itong abusuhin!


7 komento:

Ang Kaibahan Noon at Ngayon 30 Taon nang Nakalipas CONTENT Nang sumapit ang 21 siglo hindi natin maipagkaila na talagang malaki na...